Excerpt for My Stranger Husband (De Silva #2) by , available in its entirety at Smashwords

This page may contain adult content. If you are under age 18, or you arrived by accident, please do not read further.







My

Stranger

Husband












My Stranger Husband

By Myra Grace D. Delansig

Copyright © 2018 Myra Grace D. Delansig

Distributed by Smashwords









Disclaimer. This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental



Smashwords Edition, Licensed Notes. This ebook is licensed for your personal enjoyment only. This ebook may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient. If you’re reading this book and did not purchase it, or it was not purchased for your use only, then please return to your favorite ebook retailer and purchase your own copy. Thank you for respecting the hard work of this author.







Chapter 1: Kristina





“ATE! Nandito na si Kuya Hero, bumaba ka na raw!” Sigaw ng bunso kong kapatid na si Glen mula sa baba.

Kaya naman nagmamadali kong sinuot ang relos ko, mabilisang paglalagay ng lipstick at marcara. Ilang pasada pa ang ginawa ko sa buhok, ni hindi ko na nga hinintay ang sarili na ma-satisfy sa itsura ko basta presentable naman ay tinapos ko na para makapasok sa trabaho. Maaga naman ako nagising pero sadya yatang may pagkakataon na napapabayaan ko ang oras sa umaga.  

Si Hero ang matalik kong kaibigan. He’s gay by the way. Matagal na kaming magkaibigan, kaya kahit araw-arawin niyang pagsundo at pagsabay sa akin papasok sa trabaho ay okay lang.

Malalaking hakbang na ang ginawa ko pababa sa hagdahan, at doon pa lang ay dinig na dinig ko na ang munting pagsesermon ni Hero sa makulit kong kapatid. Napailing na lang ako perob natatawa na rin! 

“Hoy! kung makaKuya ka naman wagas! Hiyang-hiya naman ang humpak ng makeup ko sa’yo bata ka!” Himutok ni Hero na napamaywang pa. Hindi niya talaga gusto iyong tinatawag siyang Kuya ni Glen, lalo kung umaalingawngaw sa buong bahay.

“Sorry naman, ‘di ko alam ang itatawag sa iyo eh, kung manong na lang?” pang-aasar pa ng kapatid ko. Nasabihan ko na ‘to dati na ‘wag nang asarin ng ganoon ni Hero, e kaso sobrang kulit na bata. Kahit ako minsan ay nababara rin nito e!

“Ay naku bata ka! Hoy Kris! dalian mo d’yan naghihintay na si manong driverlu sa labas!” Napabuga na lang ng hangin si Hero ay sabay paypay sa mukha.

Napailing na lang ako at sinilip ang laman ng shoulder bag ko, sinuguradong wala akong naiwang mahalagang gamit.

“Hndi ba kayo kakain muna bago pumasok ha?” Narinig kong tanong ni Nanay mula sa kusina. Naririnig ko ang mga kalansing ng kubyertos at plato pa roon.

“Hindi na po ‘nay, dapat maaga kami ngayon sa eskwela kasi final exam na--mahuhuli na ako sa flag ceremony!” At baka magkagulo na naman ang klase dahil hindi sumusunod sa pila.

Alas-syete na ng umaga, dapat nasa eskwela na ko pero dahil masiyado kong napabayaan ang oras, nagahol ako.  Kitang-kita kong inip na si Hero. Magkaibigan na kami mula pa nung 1st year college ako. Pareho ang kurso namin, BS Education. at nagtuturo na ko ngayon sa Grade IV elementary. Pero si Hero ay hindi nakatapos sa pag-aaral at huminto nu’ng nasa 3rd year na kami. Dahil sa kinulang na raw sa tuition fee. Hindi naman maituturing na kamalasan ang nangyari sa kaniya dahil nakapag-abroad ito at nakaipon, at nakapagtayo ng sariling salon. Sa kaniya lang kasi umaasa ang pamilya niya.

‘‘Girl, bakit ka naman na-late ng gising? Himala yata ‘yon?” Tanong niya sa akin habang palabas na kami ng bahay.

Binalingan ko muna ang Nanay ko, “Nay, alis na po kami!” Hinintay ko munang sagutin bago ko sinagot ang tanong ni Hero. “Eh kasi bru, may problema si Tatay,” Hininaan ko pa ang boses ko.

“Bakit ano ‘yun bru? May ibang babae na ba ng Tatay mo o may ibang junakis na?” Nanlaki ang mga mata niya sa sariling tanong.

“Gaga hindi! Hindi gano’n si Tatay ‘no! Ni minsan hindi tumingin ‘yon sa iba!” aminado ako ako do’n at sobrang proud ako sa Tatay kong iyon.

“Oh, e ano’ng problema?”

“Pinapalayas na kami rito sa bahay.” bulong ko sa kaniya bago sumakay sa Tricycle na de-motor naghihintay sa amin.

“What?!” bulalas niya sa akin. Halos kinagulat ko ang reaksyong iyon ni Hero. Kapag kasi medyo nashashock ito eh, napapasigaw. Bigla ko tuloy siya napalo ng mahina sa braso niya.

“Bru, ano ba bunganga mo!” Halos pasigaw kong litanya sa kaniya, sa ingay ng tricycle ay sinadya kong laksan ang boses ko.

“Ay, sowry-sowry ateng! nakaka-shock naman kasi ‘yang sinabi mo. ‘Di bale sana kung tungkol sa lovelife, na alam ko namang waley eh ‘no, pero bakit naman kayo palalayasin at sino ang nagpapalayas? ‘di ba bahay n’yo ‘yan?” ani ni Hero, sabay bukas ng face powder at nag-retouch pa nang kaunti. “Manong, dahan-dahan lang sa pagda-drive at baka kumalas ang ganda ko!” Pasigaw na sabi nito sa driver. Hindi naman sumagot si manong o baka hindi niya lang ito narinig.

“‘Yung kapatid ng Lola ko ang nagpapalis sa amin sa bahay. Sa kaniya raw kasi pinamana ‘yung bahay at balak na yatang ibenta.” malungkot na sabi ko. Matagal na kaming nakatira sa bahay na iyon, bago pa naging mag-asawa ang mga magulang ko eh doon na nakatira ang Tatay ko at ang lolo’t lola. Ang alam ko nga pagmamay-ari iyon ng lola pa ng Tatay ko. No’ng nagbinata na si Tatay at nakapag-asawa na ang ilang kapatid, ay nag-migrate na sa America ang lolo’t lola ko. At magpahangggang ngayon ay hindi pa umuuwi.

Makalipas ang ilang taon o dekada ay nakatanggap ng tawag si Tatay na ibebenta na raw ng kapatid ni lola ang bahay na tinitirhan namin.

“Ay kaloka bru! bakit naman daw kailangan pang ibenta, ‘di na lang ibigay sa inyo, tutal kamag-anak din naman kayo?” tanong nya sabay lagay ng lipstick.

“Sabi ni Tatay ang kapatid daw ng lola ang may hawak ng titulo. Ang sabi rin naman ni Tatay, hati raw iyong dalawang lola ko, pero matagal na raw ‘yon eh. Hindi naman masabi ng Tatay sa lola ko kasi ayaw niyang mag-alala pa sila sa amin.”

“Eh, may kadamutan naman pala ‘yong kapatid ng lola mo Ang tagal ng panahon na iniwan nila iyong bahay at ngayon bigla-biglang aangkinin ng buo!” sabi ni hero, habang itinatabi ang mga makeup sa handbag niya.

Sumimagot ako sa sinabi niya. “Ano’ng gagawin namin?”

“Edi, no choice. lilipat kayo ng house...o kayo bibili nu’ng house!” sabi niya.

Namamanghang tiningnan ko siya, hindi ko kasi naisip iyong huling sinabi niya. Pero parang may liwanag akong nakita para roon.



‘‘THREE million?!” halos sigaw na bulalas ko. Kumakain kami ngayon ng hapunan kasama ang buong pamilya ko.

“Iyon ang presyo nitong bahay na pinabebenta ni tyang.” ani ni Tatay na medyo matamlay ang pagkakasabi.

“Ate, baket ano ‘yun?” curios na tanong ni Glenn.

“Wala, wala kumain ka na d’yan. Usapang matanda ‘to.”

“Usapang matanda, pero sa harapan ko pa kayo nag-uusap. Ano kaya ‘yun.” pabulong nyang sagot, pero rinig pa rin. Tinapuan ko naman siya ng matalim na tingin at saka natgpatuloy sa pagkain.

“Naku Roger, napakalaking halaga pala ng presyo nitong bahay. Pero bakit naman pinabebenta na ni Tyang? Hindi na ba maganda ang kabuhayan nila sa America?” tanong ng Nanay ko. Ako naman ay halos napahinto na sa kinakain at hinintay ang sagot ni Tatay.

“Hindi na rin bumabata si Tyang at baka hindi magtagal ay umuwi na rin ‘yon dito. Siguro, baka balak na ring ipamana o ibahagi sa mga kamag-anak niya. Hindi na rin naman kagandahn itong bahay para tirhan pa nilang mga sosiyal at laking America.” sabi ni Tatay.

“Eh ‘tay, hindi ba, may parte rin naman si lola sa bahay na ‘to? ‘di ba po dapat kunin din muna ang consent ng lola bago pagdesisyonang ibenta?”

“Oo, hati sila ng Nanay sa bahay. Pero bago sila nag migrate ay nagkaalitan sila at nagkataon pang si tyang ang may hawak ng titulo. Mula noon, hindi na sila nag-usap pa o nagkamustahang man lang, dahil tuwing tinataning ko sa Nanay kung kamusta na si tyang ay tahimik lang ito at walang kibo sa telepono.” malumanay sa sabi ni Tatay.

“Eh, tayo. ‘di na ba nila tayo tinuturing na pamilya?”

“Anak, hindi naman yata ‘yan masasagot pa ng Tatay mo. Kumain ka na nga.” Saway sa akin ni Nanay.

“Kung tayo na lang bumili ng bahay?”

Bigla naman napahinto sa pagkain sina Tatay at Nanay. At siya ring paghinto sa pagsubo ni Glenn, dahil nakitang napahinto rin sina Tatay.

“Anak, alam mo ang sinasabi mo?” tanong ni Tatay.

“Kristina...” sabi ni Nanay. “Wala tayong gano’ng halaga.”

“Kung ang kalahati nitong bahay sa lola, e’di kalahati na lang din ang dapat nating ibayad sa kanila.”

“Anak, kahit ibenta ko pa ang jeep natin, hindi parin yon aabot sa isa’t kalahating milyon.” sagot ni Tatay, binalewala na lang ang sinabi ko.

“‘Yung savings ko po, pwede ko namang isama. ‘Yung savings ko tay!” pagmamalaki kong sabi kay Tatay.

“Bakit ate, milyonarya ka na ba sa pagtuturo?” singit ni Glenn.

Binalinga ko siya ng matalim na tingin.”‘Di ba sabi ko kumain ka lang, itikom mo ‘yang bibig mo.”

Nginusuan niya ako. “Sabi mo kumain, pero pinatitikom mo yung bibig ko. Ano kaya ‘yun!” at muli niyang binalikan ang kinakain.

“Isa..” panakot ko sa kanya at hindi na siya kumibo.

“Aabot nga ba nag savings mo anak? hindi ba’t nirereserba mo na ‘yun para sa pag-aaral ni Glenn?” Malumanay na sabi ni Nanay.

“Para sa akin pala ‘yun eh.” sabi ni Glenn na nakatingin pa rin sa pagkain niya.

“Matagal-tagal pa naman siguro bago mag-college ‘tong si Glenn at pwede pa po ako makapag-ipon ulit.”

“Kahit isama pa natin ‘yan hindi pa rin sasapat.” sabi ni Tatay na tila kimbinsidong kulang ang malilikom naming halaga. Pero kung sabagay, 1.5 milyon iyon. Ang jeep plus savings namin, talagang hindi milyonin.

“Eh si Kuya?”

“May pamilya na ang Kuya mo. Buntis pa uli si Jess. Maraming gastusin ‘yon.” sabi ni Tatay. Pamilyado na nga pala si Kuya Edwin. may isang anak na 3-years old at kasuluKuyang pang buntis sa asawa nito. Pareho silang call center agents.

Sa pagkakasabi ni Tatay ay tila nanghina ako at nawalan na ng pag-asa. Wala talaga kaming makukuhang gano’ng halaga ng pera. Pero mahal ko itong bahay namin. Kahit gawa lang ito sa kahoy at luma na. Ito pa rin ang bahay nina Tatay noong araw. 25years akong tumira dito. Maraming mga kaibigan at mag-alaala ang baka sakaling mawala na.

“Maghahanap na ko ng buyer ng tricycle natin, para makalipat tayo ng bahay.” sabi ni Tatay, saka siya tumayo na at pumasok na sa kwarto.

Iyon na ang hudyat Kristina, kailangan na nila talagang lumipat. Ang bigat sa pakiramdam. Napayuko na lang ako sa plato ko, narinig ko rin ang malalim na buntong hininga ni Nanay. Kahit wala silang sinasabi ay ramdam ko ang kalungkutan nila sa pag-alis sa bahay. Hindi lang basta sa pinansiyal na aspeto, sympre- mahihirapin din kami sa kabuhayan-pero iyong bahay na kasi na ‘to, kinalakihan ng Tatay ko, mga lumang ala-ala na hindi basta-bastang maiiwanan.



















Chapter 2: Kristina



PAGKATAPOS naming maghapunan ay agad ko munang pinuntahan si Hero sa salon niya. Isang sakay lang ng jeep iyon mula sa bahay. Dahil sa gabi na rin iyon ay iilan na lang ang customer niyang nadatnan ko at kasuluKuyang binu-blower ng staff niya. Ako naman ay prenteng naupo at humarap sa malaking salamin nila. Si Hero naman ay nasa harap ng counter niya at tila nagbibilang ng kinita sa salon.

“Naku bru, kung milyunaryo lang ako tulad ni Ricky Reyes, solve na ‘yang problema mo,” sabi niya habang busy pa sa ginagawa. “Pero kahit ibenta ko ang puri ko, hindi pa rin yata aabot sa halagang kailangan mo ‘te!

Tumingala ako sa kaniya “Ateng, wala ka no’n.” sabay tawa naman ng mga staff niyang nagbu-blower, nagwawalis at nagbabasa ng magazine.

“Ay, ang saya ‘no?! Ang saya-saya ‘no?!” nakakatawang sabi ni Hero sa mga staff niya. At siya namang tigil ng mga ito sa tawa.

Umayos ako ng upo. “Eh, ano nang gagawin ko? Ayoko namang lumipat kami ng bahay..” nakasimangot na sabi ko.

“E’di, maghanap ka ng Papang mayaman ‘te!” sabat ni Beauty na nagbabasa ng Magazine. Si Beauty ang nagsisilbing kanang kamay ni Hero sa salon. Mahaba ang buhok nito at blonde pa.

“Tumpak ‘te!” sabat naman ng nagwawalis na si Anastacia na huminto pa at tiningnan ako, mula ulo hanggang paa. “Maganda ka rin naman, makinis at teacher pa! tiyak ‘yan may maaakit..sayong Papang..” Malanding litanya niya.

“Matanda? Biyudo? Pulitiko? kung sa gano’n na rin lang ako mapupunta, ‘di bale na! Mangungupahan na lang kami.” pagpuputol ko sa sinasabi niya.

“Ano ka ba! Hindi ka ba naniniwala kay Prince Charming, Kris? ‘Yung gwapo, matipuno, matalino at higit sa lahat malaki..”

“Ang alin?” curious kong tanong nang ipa-suspense pa niya ang sasabihin.

“--malaki ang pera sa bangko! ano ka ba!” at sabay tawa.

“Wala nang gano’ng lalaki ‘no!” sagot ko sa kaniya.

“‘te, think positive! malay mo nasa tabi-tabi lang ‘yon. Inaantay ka na--hay! kinikilig ako!” biglang sagot ni Beauty.

“Bakit naiihi ka?” sabat ni Hero na nagliligpit na ng mga gamit sa counter. “Kung ano-ano ‘yang sinisiksik niyong kalokohan sa ateng ko. Manahimik na nga kayo!”

“Eh kung ayaw mo sa suggestion namin, mag-isip pa tayo ng iba--ah! Magturo ka sa Harvard! Malay mo malaki sweldo do’n! Dollars pa!” sabat ni Anastacia. Pero agad naman itong binato ng papel na nilukot ni Hero.

“E kung ikaw ang papuntahin ko do’n at ‘wag nang pauwiin, bet mo? Kanina ka pa nagwawalis d’yan ah, bilisan mo d’yan! baklang ‘to,” nakapameywang sagot ni Hero.

“Eto na nga ‘te oh, patapos na o,” pagmamadaling sagot ni Anastacia. Natawa naman ako sa kanila. Kahit papaano ay napapagaan nila ang mabigat kong problema.

“Ah, Miss..” tawag sa akin nu’ng kaninang inaayusan at binu-blower. Nakatayo na ito at lumapit na pala sa akin. May nilabas namang siyang business card mula sa shoulder bag niya. “Eto, baka sakaling makatulong sa problema mo.” nakangiting sabi nito.

Dahan-dahan ko namang kinuha ang iniabot niya sa akin.

“S-Salamat?” sabi ko Pero ngiti na lang sinagot niya. Pagkakuha ko ay agad naman siyang tumungo sa counter at saka nagbayad.

“Thanks for coming! Come back again, Ma’am!” nakangiting sabi ni Hero.

Pagkalabas ng babae ay sabay-sabay namang nagtanungan at lumapit sa akin ang mga baklita!

“Ano ba yan ‘te?” unang tanong ni Beauty.

“Tseke?!” Sunod na tanong ni Anastacia.

Binasa ko naman ang nakasulat sa card.. “De Silva Financing Corporation..” nagtataka naman ay hindi ko na napigilang ma-amuse sa binigay sa akin nu’ng babaeng nakikinig n pala sa usapin namin. Sabagay, ang lalakas ng mga boses namin.

KINABUKASAN, kahit bakasyon na ang mga estudyante ko ay busy pa rin ako sa pagko-compute sa mga grades nila. Infairness sa hawak kong klase, walang bumagsak at matataas ang mga grado nila. Lalo ko tuloy mami-miss ang mga estudyante kong masisipag mag-aral. Nasa kwarto lang ako, may maliit akong lamensa rito at habang nagsusulat ako ay saka biglang bumukas ang pinto at sumilip si Glenn.

“Ate, may buyer na raw ‘yung tricycle ni Tatay!” Excited na sabi niya. “Kukunin na yata mamaya.”

“Ang bilis naman..”

“‘Pag daw nakuha ‘yon, maghahanap na raw sina Tatay at Nanay ng malilipatan nating bahay!” sabay alis at sara ng pinto.

Binalik ko naman ang tingin ko sa ginagawa ko. Nalungkot ako. Bumuntong hininga ako. Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang Business card na binigay nu’ng babae sa salon, tiningnan ko uli iyon.



PADILIM na nang pagpasiyahan kong bumaba muna. Nakita kong wala tao sa sala. Pumunta ako sa kusina, pero wala pa rin.

Nasaan kaya sila?

Pumunta ako sa likod ng kusina. May isang pinto doon at nakita kong nakabukas iyon. Nandoon nga sina Tatay at Nanay sa likod-bahay. Nag-uusap, tumayo ako sa tabi ng pinto pero alam kong hindi nila ako napansin.

“Wala na ang tricycle..” Panghihinayang na sabi ni Tatay. Nakatalikod sila sa Akin ni Nanay. Si Nanay naman ay agad hinagod ang likod ni Tatay na tila kinu-comfort ito.

“Ger, napag-usapan na natin ito ‘di ba? Akala ko ba okay na sa’yong ibenta ang tricycle?” malumanay na tanong ni Nanay.

“Alam ko naman ‘yon, pero syempre hindi ko maiwasang malungkot dahil ang tricycle na ‘yon ang tumulong sa akin para mapagtapos ko sina Edwin at Kristina. Kahit papaano ay napamahal na sa akin yung tricycle ko.”

“Ano ka ba, may jeep pa naman tayo oh, mas malaki ang naitulong nito sa’tin..Ito ang maghahakot ng mga gamit natin.” pilit na pinasasaya naman ni Nanay ang usapan nila ni Tatay.

“O siya-siya, baka hanggang dito na lang kami ng tricycle ko. At sa huling pagsasama namin e, natulungan pa rin tayo.”

“Natulungan saan?” nalilitong tanong ni Nanay.

“Sa pambayad sa uupahan nating bahay!” Sabay tawa ni Tatay, gano’n din naman si Nanay.

Pero bago pa nila ako makita ay tahimik na akong bumalik sa kwarto at naupo ulit sa tapat ng mesa ko. Kinuha ko ulit iyong Business card sa drawer ko. Tinitigan ko ito. “Wala naman sigurong masama kung i-try kong puntahan.” sabi ko sa sarili.



KINABUKASAN ay gumising ako nang maaga, naligo at nag-ayos. Sinuot ko iyong favorite kong skinny jeans, red polo shirt na tiniklop ko hanggang siko at red flat shoes. Matapos kong maglagay ng konting powder at kaunting pahid ng lipstick ay kinuha ko na ang shoulder bag ko. Ngunit nang palabas na ko ng kwarto ay napahinto ako.

Tinungo ko ang lamesa ko, binuksan ang drawer at kinuha ang Business card at nilagay sa bulsa ng bag ko.

“O, anak sa’n ka pupunta?” tanong ni Tatay na nagbabasa ng dyaryo sa mesa.

Lumapit ako kay Tatay para magmanong. “Ah, ‘tay may importante lang po akong pupuntahan, si Nanay po?”

“Nasa tindahan, may binili lang.”

“Sige ‘tay, alis na po ako.” paalam ko na para hindi madagdagan pa ang tanong sa akin.

“O sige, mag-iingat ka.” At agad na rin akong lumabas ng bahay.



PAGBABA ko ng bus, ay agad kong nilibot ang mga mata ko sa mga buildings na nakikita ko. Ang De Silva Financing ay sa Ayala, Makati ang opisina. Hawak-hawak ko ang Business card habang naglalakad para hanapin ‘yong building nila. Hindi naman sa inosente ako pero talagang nakakalula ang mga nakikita ko sa paligid. Tila ba ako nasa ibang bansa pero puro pinoy din naman ang nakikita ko. Nasanay kasi ako sa maliit na lugar. Nang makita ko ang building na hinahanap ko agad akong lumapit sa guard at nagtanong.

“Manong, dito ba ang office ng De Silva Financing?”

Tinanguan niya kaagad ako. “Opo Ma’am, pasok po kayo. Lumapit na lang po kayo du’n sa reception.” nakangiting sabi ni Manong.

“Salamat po,” Agad ko namang nilapitan iyong tinuro ni manong. Ang reception area ay tapat lang ng mismong elevator.

“Yes, Ma’am?” magalang na tanong ng babaeng receptionist .Naka-corporate attire ito.

“Goodmorning po, Sa De Silva Financing,” nakangiting kong bungad sa kaniya.

“May I.D po ba kayo?”

“Ah, meron,” agad ko namang nilabas ang ID ko na nasa wallet at saka ko binigay sa kaniya.

“Pakisulat na lang po ‘yung name n’yo po rito sa log book. Purpose at time in.” tinuro nito iyong nakabukas na logbook. Agad ko namang sinulatan iyon.


Kristina Marie Clemente/Inquire/9:46am


Pagkababa ko ng ballpen ay agad nyang binigay sa akin ang visitor’s pass.

“4th floor Ma’am.”

“Thank you. “ pagkakuha ko ng visitor’s pass ay dumeretso na ko agad sa tapat ng elevator. Pinindot ko ang arrow up button. Ilang saglit pa ay bumukas na ito, walang tao. Agad akong pumasok. Pinindot ko ang 4th floor button pagkatapos ay may narinig akong boses ng lalaki.

“Wait!” Sigaw nito.

Hinold ko naman agad ang pinto ng lift.

“Thanks..” sabi ng lalaki na nasa tapat na ng pinto nito.

Pero nang nakita niya ko tila ay rumehistro ang gulat sa mukha nito. Napatitig sa akin--ngunit agad din nag-iwas ng tingin at pumasok na. Nang sumara na ang pinto ng lift ay nagtaka naman ako kung bakit hindi man lang nito pinindot ang floor na pupuntahan nya.

E baka naman 4th floor din siya?

Okay. O baka naman rapist? Oh my--pero teka..palihim ko itong sinulyapan. Tamang-tama nagse-cellphone siya. Matangkad, may kaputian, mukhang may tinatagong abs! 

Tumigil ka Kristina!

Pero pinagpatuloy ko ang suri sa lalaki. Mukhang mayaman. Naka-leather black shoes, black semi-fitted pants at blue polo shirt na nakatiklop hanggang siko. Natural-brown din ang kulay ng buhok nito, clean cut! Ang linis lang tingnan. May matangos na ilong, mapupungay na mga mata na may mahahabang pilikmata. At..ang pula-pula ng lips niya! Natural na pagkapula! Sa madaling sabi--gwapo!

Kalma lang Kristina Marie, relax, easy. Ewan ko ba, pero bumilis ang tibok ng puso ko! Ano’ng dahilan? Ngayon lang ba ako nakakita ng gwapo? Correction, saksakan at ubod ng kagwapuhan!

Nang tila napansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay agad kong tiningnan kung saang floor na kami.

Nang makarating ay nauna itong lumabas ng lift. Dere-deretso lang ang lakad na para bang siya ang may-ari ng building.

Teka mukhang masungit ito ah! Karamihan nga naman sa mga gwapo at mayaman ay masusungit. Lumabas na rin ako ng elevator at iniwas na ang tingin sa kaniya. Ngunit pahinto ako sa paglalakad.

Parang..parang..nakita ko na siya noon..

Binalingan ko ang dereksyong ttinungo nito. Nakita ko na lang malapad niyang likuran at pilit na inaararok ang isip kung saan at kailan ko ba nakita ang ganoong itsura.





Chapter 3: Kristina



LUMAPIT ako sa mahabang mesa, may apat na tao ang nakaupo sa counter na iyon. Ang tatlo sa kanila ay may mga kausap, mga kliyente siguro nila. 

“Goodmorning, Ma’am. may I help you?” nakangiti at mahinhing bungad sa akin nu’ng isa.

“Goodmorning. I’m actually wants to inquire about your loan policy,” 

“Yes Ma’am, have a seat.” tinuro niya ang upuan sa harap ng mesa. May kinuha naman siyang brochure sa drawer niya. Ipinakita niya ito sa akin at nagsimula na siyang magpaliwanag. Medyo nakakita ako ng munting pag-asa dahil nabasa kong mababa lamang ang interest rates nila. Sa pagkakatuwa ko ay agad kong sinulatan ang loan application form.

Lumipat ako sa sofa, malapit sa may pinto ng opisina nila. Habang nagsusulat ako ay may pakiramdam akong may nakamasid sa akin. Nag-angat ako ng tingin..at gano’n na lamang ang gulat ko nang makita kong nakatitig sa akin iyong gwapong nilalang na nakasabay ko sa elevator kanina. He’s standing beside the door na sa tingin ko ay pinanggalingan niya. With matching crossed arms on his chest. Nakasandal din ang left arm nya sa puting pader--seriously staring at me. 

Pero bakit? Kung hindi lang gwapo ‘to, pagbibintangan kong kriminal to e! 

Huwag kang manghusga Kristina, masama ‘yan!

But to surprise myself, she finds it...Sexy? 

Huh, baliw ka na Kristina Marie!

Kumalabog naman ang puso ko. Parang nagtatalunan sa kaba ang didbdib ko! Ano bang meron sa mga tingin niya? Kanina pa kaya ako niya tinitingnan?

Ngunit matapos ang ilang segundong titigan, ay nagbaba ito ng tingin at pumasok sa loob ng office na ‘yon.

Ano’ng problema no’n? Type ba niya ko? O type lang ang damit ko?

Nang matapos ko ‘yung form ay agad kong binalik iyon sa babaeng kausap ko kanina.

“Upo po muna kayo ulit, Ma’am.” nakangiti siya, hawak iyong form ko. Mayamaya ay tumayo ito at pumasok sa kwartong pinasukan din nu’ng gwapong estranghero kanina.

Habang naghihintay ay kinuha ko muna yung phone ko at baka may tumatawag na sa akin. May text ako galing kay Nanay at Hero.


Kris, saan ka nagpunta?’


Bru, anu na balita sa problema u? Ano hahanap na ba tayo ng papang yummy at mayaman?’


Napangiti naman ako, nang pinindot ko na iyong reply, sa gilid ng mata ko ay nakita kong lumabas doon iyong lalaking gwapong-estranghero kanina. Hindi ko siya tiningnan. Nagdere-deretso naman siya sa paglalakad. Malamang ay paalis na ito. Dumaan ito sa likuran ko.

Nang marinig kong bumukas ‘yung glass door ay saka ko siya nilingon. Umalis na nga ito. Natawag naman ng pansin ko iyong babaeng kausap ko kanina. Bumalik na ito pero hindi na niya dala ang form ko.  

“Ma’am gusto po kayo makausap ni Sir,”

“Sir?” curious kong tanong. Tinuro naman niya iyong pintong pinanggalingan niya kanina.

“Ah, okay.” tumayo ako at agad na naglakad. Nang nasa tapat na ko ng pinto ay kumatok muna ako ng dalawang beses.

“Come in.” narinig kong sagot ng isang lalaki.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Nang makita ko na siya ay unti-unti akong pumasok. Nakatingin ito sa flatscreen na monitor. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

“Have a seat, Miss Clemente,” tuluyan na siyang humarap sa akin. 

Umupo naman ako sa tinuro niyang bangko sa harap ng mesa nito. Kinuha at binasa niya iyong form ko. Nakaramdam ako ng kaba. Para ba akong lilitisin na ewan! Pero kliyente ako. Kaya dapat relax lang Kristina..easy..kalma.. Pero pansin kong gwapo din ‘to--mas gwapo nga lang iyong estranghero kanina.

“Goodmorning, Ms. Clemente, my name is Matteo De Silva.” inilahad niya ang kanang kamay.

Inabot ko naman iyon at nakipagkamay. “Goodmorning, Mr. De Silva.” sagot ko.

“So, how did you know about us? The De Silva Financing.”

“Someone just gave me your business card,” tapat kong sagot.

“Is that a boy or a girl?”

“Woman, Sir.”

“Was she beautiful?” nakangiting tanong nito

“O-Opo..” alangang sagot ko. Parang gusto ko na ring pabirong sagutin ito para man lang mabawasan ang kaba ko.

“I think she is.” sabay tawa nito. “Okay, Ms Clemente, So you would like to loan?”

“Yes, Sir.” eto na. Kabado na naman ako.

“But Ms. Clemente, 1.5 million is a huge amount,”

“A-Alam ko po..”

“Well, in this case we need an assurance first before we granted your loan. A collateral is required,” seryosong sabi niya.

Collateral? Jusko! ano’ng iko-collateral ko?

Iyong bahay? ‘Yun nga ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon!

Iyong jeep? Hindi naman worth 1.5million iyon.

“Hindi po ba pwedeng hulugan na lang? Nang walang collateral, I mean.”

“Ofcourse, you have to pay us back in monthly basis. But because this is a big amount, we really need a collateral Ms. Clemente, this is a business anyway.”  

“Kaya lang kasi sir, ‘yung bahay namin ang bibilhin ko kaya po ako maglo-loan. Wala naman kaming ibang property para ipang-collateral.” sagot ko.

“In that case, we can still approved your loan , kaya lang hindi na sa amount na gusto mo,” tumingin-tingin pa ito sa mga papel niya sa lamesa. “We can still provide you a loan of 50K to 70K, Ms. Clemente ang loan amount namin ng walang collateral.”

Napaisip ako. 50,000 to 70,000? Magkakautang pa ko pero kulang pa rin. Pero malamang..suko na ko. “No, thanks Mr. De Silva. Salamat na lang po.” tumayo na ko, bagsak ang balikat. Naglakad na ako papunta sa pinto. Hindi ko na siya pinansin dahil parang wala nang patutunguhan ang pag-uusap namin. Hindi sa pambabastos pero, nalulungkot lang talaga ako.

“But I have one more option left for you, Ms. Clemente,” pahabol na sabi niya. Napahinto ako at tumingin sa kaniya. Nakangiti siya at may hawak na kung anong maliit na papel. “And this time baka meron ka nang pang-collateral.”

Ano bang sinasabi nito? Iniabot nya sa akin iyong hawak niya. Lumapit ako at alanganing kinuha iyon.

Ano to? Business card na naman? Binasa ko yung binigay niya. 


RDS Group of Companies.


CEO, REYNALD DE SILVA


Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. ”Sino po ba ito?”

“See for yourself. Contact him or better yet talk to him personally. He can help you for sure.” he even winked at me. Ano ‘to joke?

Nasa baba na ko ng building at naghihintay na ng jeep pabalik sa LRT Station. Hawak ko pa rin itong business card. Tiningnan ko ulit. Reynald De Silva..sino ‘yun? Pwede raw makatulong sa akin?











Chapter4:Kristina




“APPROACHING U.N Ave. station, Salamat po.” sabi ng driver sa LRT. Nang may bumaba na pasahero ay saka lang ako nakaupo na. Hindi naman masiyadong siksikan pero puno pa rin ang mga nakalaan na upuan.

Agad kong kinuha iyong cellphone ko at nagtext.


Ako: Masiyadong malaki ang 1.5 million bru, humihingi sila ng pang collateral. Wala kami nun bru


Napabuntong hininga ako pagkatapos kong i-send ang message sa kaibigan.


Hero: ‘Wer na u ba? pauwi ka na? daan ka muna ng dito sa salon


Ako: LRT pa ko..okay, I’ll drop by.


Pagkatapos ay nilagay ko na agad ang cellphone ko sa bag at napabumuntong hininga ulit. What to do? I’m helpless--ang hirap pa lang maging mahirap.



PAGDATING KO sa salon ni Hero ay pinapunta niya ko sa kusina nila. Inaya na niya ko roon Mananghalian. Kasalo namin si Anastacia. Habang naiwan sa counter si Beauty at may kausap. Iyong ibang staff naman ay busy sa mga customer.

“E, sino naman ‘yung taong sinasabi niya sa’yo?” tanong ni Hero habang sumusubo.

“Ang sabi niya, for sure raw makakatulong sa akin ‘yon. Tawagan o puntahan ko na lang daw,” kinuha ko naman iyong business card sa bag ko. “Eto..” iniabot ko kay Hero, tumingin din si Anastacia.

“Nakakabasa ka ba?” tanong ni Hero sa kaniya pero hindi siya tinitingnan.

“Oo naman ‘te! ako pa!” sagot naman niya. Kung iba siguro, malamang napikon na sila. Pero dahil close naman sila rito at sanay na rin sa katarayan ni Hero.

“OMG!” halos sigaw na sabi ni Anastacia.

“Bakit kilala mo?” sabay tingin ni Hero sa kaniya. Pati ako ay napatingin na rin sa kaniya. Curious.

“Hindi ‘te, sino ba ‘yan?”

Sinamaan naman ito ng tingin ni Hero. “Ubusin mo na ‘yang pagkain mo bago ko ubusin ‘yang buhok mo! bruha ka!”

“Pero infairness ‘te, ang gwapo ng name-sung niya ah!” sabay subo ulit ni Anastacia. “Parang may abs!”

“‘Yang mukha mo lalagyan ko ng abs! ‘pag hindi ka pa nanahimik,” sagot ni Hero na pinandilatan pa si Anastacia.

“Tatahimik na po, tatahimik na.” at saka pinagpatuloy na ang pagkain.

“Reynald De Silva...” sabi ni Hero, habang nakatingin sa business card. Wari ko’y napapaisip siya. “Parang narinig ko na ‘tong name na ‘to,”

“Talaga? Saan naman?” tanong ko. Nakatingin lang ako sa kaniya.

“Hindi ko rin maalala e, pero parang narinig ko na ‘tong pangalan na ’to somewhere girl,” nakakunot ang noo ni Hero tila ba pilit na inaabot ng utak niya ang pangalang iyon. May kung ano sa isip ko na sana kilala ni Hero ang lalaking ito.

“Somewhere? Ah! Somewhere down the road ‘te!” biglang salita ni Anastacia. Dahil do’n ay nawala sa pag-iisip si Hero at ako. May kasama pa kasing palakpak at medyo O.A ang gesture niya. Nabatukan pa siya ni Hero. Kaya naman nangiti na lang ako sa kaniya.

“Ikaw na bakla ka, hala tumayo ka na nga d’yan at bumalik ka na do’n sa labas at baka ‘di ko mapigilan ang sarili ko at maubos ‘yang buhok mo!” Hero gave Anastacia a death glare. Iyon bang tingin pa lang iyon ay lulumpasay na siya.

Sumimangot naman si Anastacia. “Eto na, eto na ‘te oh, aalis na, aalis na oh,” sabi niya habang nagliligpit ng pinagkainan niya, nilagay niya ito sa lababo at hinugasan bago bumalik na sa labas. “Babuush mga ateng!” paalam pa niya.

“Tseh!” sigaw na sagot ni Hero may dagdag pang irap kay Anastacia. Sanay na rin ako sa mga tao rito sa salon, kahit nasusungitan sila ng kaibigan ko ay alam naman nilang mababaw lang iyon. Alam ko kasing pagnangangailangan sila ay agad silang tinutulangan ni Hero. Nakokornihan lang talaga ang kaibigan ko sa pagiging sweet--except sa boys.

Bumalik ang tingin ni Hero sa Business card at sa akin.

“So ano na bru? Pupuntahan mo ba ‘to?” nguso niya sa card habang nakatingin sa akin. “Base naman sa nakikita ko, eh mukang big time ‘yang De Silva na ‘yan. Isang CEO ng kumpanya!” He said with big round eyes.

I heaved out a sigh. “Hindi ko alam, bru..kinikutuban ako e.”

“Kinukutuban saan?” napataas pa ang mga kilay nya. Curiosity filled him.

“Dito.” At tinuro ko lang card na nakalapag sa harap namin.

“Ano’ng gagawin sa ‘iyo niyan, maliit na papel lang ‘yan, bru!” with overacting face. Hindi ko tuloy maiwasang mangiti dahil napapagaan ng kaibigan ko ang tone-toneladang bigat ng problema ko.

“Bru naman e! Hindi ko naman kilala ‘yan e..wala naman akong maipangbabayad. Pa’no kung may ibang motibo ‘yan.” I pouted my lips.

“Bru, Hindi mo malalaman kung hindi mo pupuntahan. Saka malay mo, sideline niya ang magpa-5-6.” and he made a face saka kinuha ulit kutsara at kumain.

“Bru naman e!” Tinignan ko siya at lalong nginusuan. Napa-peace sign na lang sabay subo ng kutsara.



PAG-UWI ko sa bahay ay naabutan kong nandoon si Kuya Edwin kausap si Tatay sa sala. “Kuya..” tawag ko at saka naglakad sa upuan para ilapag ang bag ko. Lumapit ako kay Tatay at nagmanong.

“O Kris, saan ka galing?” nakataas ang mga kilay na nakatingin sa akin. Nakasaklob ang mga kamay at nakapatong ang mga siko niya sa hita. Habang nakasandal si Tatay sa upuan at nakatingin lang sa lamesita na parang napakalalim ng iniisip. Ito ang iniiwasan ko, ang mag-alala ang mga magulang ko.

“Ah..sa school may inasikaso lang.” I lied. Hangga’t maari ayoko munang ipaalam sa kanila ang mga binabalak ko. Lalo’t wala pang kasiguruduhan. “Sina ate Jess?” tipid akong ngumiti sa kaniya. Alam ko kasing alam na ni Kuya ang problema sa bahay. Tiningnan ko rin ang bahay at hinanap sina Nanay at Glenn.

“Iniwan ko muna sa bahay. Kabuwanan na niya at medyo nahihirapan na sa laki ng tyan. Kambal e.” bakas sa mukha ni Kuya na masaya siya sa parating nilang mga anak. Lalo pa--kambal. Alam kong masaya si Kuya sa buhay pamilya niya.

Tuwing nakikita ko sila ni ate Jess, bakas sa mga mata nila kung gaano nila mahal ang isa’t-isa. Complete. Iyon bang ‘pag may problema basta magkasama sila, chicken lang ang lahat. Come and go, we’re together. Simple lang ang pamumuhay nila pero kuntento. Kaya naman inasam ko rin ang ganoong buhay may-asawa. Hindi ko hinangad ang mala prince charming na may palasyo. Basta mahal niya ko solve na ko ro’n.

“Kris bakit hindi mo naman agad sinasabi sa akin ang problema sa bahay?” biglang nawala ako sa pag-iisip nang magsalita si Kuya.

Napaupo naman ako single na kahoy naming upuan. Kinakabahan ako, hindi ko balak na sabihin agad kay Kuya ang problema kasi may pamilya na siya at may sariling gastusin. At nagkataon pang manganganak na rin ang asawa niya. Malaking gastos din iyon.

Hindi ako makatingin nang deretso kay Kuya. I’m searching for the suitable answer. My lips parted a little. Pinagdikit ko ang mga daliri ko sa ibabaw ng hita ko. Para tuloy akong may mabigat na kasalanan. “Kuya kasi..” halos pabulong na ang boses ko.

“May sarili ka ng pamilya Edwin at buntis pa ang asawa mo. Ayaw na naming dumagdag pa sa alalahanin mo. Kaya ‘di na muna namin ipinasabi sa’yo”

Sabay kaming napatingin ni Kuya kay Tatay. Hindi tumitingin sa amin si Tatay. Kinuha niya ang remote control sa lamesita at binuksan na lang ang TV. Si Kuya naman ay parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Tatay.

“Pedro ‘tay naman, hindi lang basta maliit na problema ‘to. Pwede nang mawala ang bahay sa’tin.” may bahid na pagtatampo ang boses ni Kuya. Nakatingin pa rin siya kay Tatay na ngayon nanonood sa TV. Balita ang palabas.

“‘Wag ka nang mag-alala, nakapagdesisyon na kami ng Nanay n’yo. Naibenta na rin namin ang Tricycle. Naghahanap na rin kami ngayon nang malilipatan.” sabi ni Tatay pero nakatingin pa rin sa TV. 
Tumingin sa akin si Kuya. Nagtatanong ang itsura niya at parang pilit na inaarok ang sinabi ng Tatay namin. Makahulugan na lang akong napatingin kay Kuya. Hinahayaan ko na lang na si Tatay ang magpaliwanag sa kaniya.

Sandaling namayani ang katahimikan. Nakayuko lang ako at hinihintay ulit silang magsalita. Pero nag-angat ako ng tingin kay Kuya.

“Hindi ‘tay, gagawa ho ako ng paraan. Mangungutang ako o baka naman pwedeng makausap ang t’yang?” nakatingin si Kuya kay Tatay at tila naagaw nito ang atensyon ni Tatay. Kahit ako nakaramdam ng kasagutan sa sinabi ni Kuya.

Pumasok sa kwarto sina Tatay at Kuya at naiwan kami sa sala ni Nanay. Hinintay namin sila matapos kausapin sa telepono ang T’yang namin. Napagdesisyonan kasi nina Kuya na tawagan ang T’yang sa America. Kung pwedeng pakiusapan na huwag munang ibenta ang bahay. Habang naghihintay ay nagdadasal na rin kami ni Nanay. Kinakabahan at nae-excite ako. Sana mapakiusapan sila ni Kuya. Sana talaga pumayag sila. Sana hindi pa kami mapaalis dito sa bahay.

Mayamaya pa’y lumabas na ng kwarto sina Tatay at Kuya. Unang lumabas si Tatay, blangko ang mukha niya, ang hirap basahin. Nang makababa na sa sala si Tatay ay agad ko siyang nilapitan.

“Tay, ano po? Pumayag po ba?” hawak ko ang kamay nanlalamig at bumibilis ang pintig ang puso ko. Halos hindi na ko pumipikit masagot lang ni Tatay ang nangyari sa tawag nila.

Yumuko si Tatay at umiling. “Hindi anak. Nakahanap na raw sila ng buyer.”

Bumauhos ang sakit sa dibdib ko. Hindi dahil sa sinabi ni Tatay, kundi sa panginginig ng boses niya. Ang sakit na nakikita kong pagkabigo sa Tatay ko. Alam kong ayaw niyang ipakita sa amin na sobrang apektado siya. Pero mas kilala ko siya, hindi man niya sabihin, nararamdaman ko siya.

Bigla may namuong luha sa mga mata ko. Nilapitan ni Nanay ang Tatay at niyakap siya. Tinapik-tapik naman ni Tatay ang likuran ni Nanay. Para bang sinasabi niyang ‘okay lang’.

“Hala sige na, lalabas na muna ako at magtatanong pa ng pwede nating malipatan.” Sabi ni Tatay at kumawala sa pagkakayap kay Nanay, lumabas ng bahay.

Nilapitan ako ni Nanay at marahan na hinagod ang braso ko. “Magpahinga ka na muna, Kristina.” Nginitian ako ni Nanay bago pumunta ng kusina.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Wala na talagang pag-asa?

Pinuntahan ko si Kuya sa kwarto. Nakatayo siya sa harap ng bintana habang hawak pa rin nito ang cellphone niya at doon nakatingin. “Kuya,” Mahinang boses ang lumabas sa akin. Lumapit ako sa kaniya.

Umiling-iling siya. “Wala. Ayaw nilang pumayag. Ang gusto nila magbigay tayo ng pera kung gusto pa raw nating tumira rito sa bahay. Hindi naman daw tayo ang may-ari. Meron na rin daw gustong bumili nitong bahay. Kaya wala na raw tayong nagagawa, umalis na lang daw tayo.”

Nawalan ako ng sasabihin. Wala na raw kaming magagawa. Umalis na raw kami. Pakiramdam ko hindi namin kamag-anak ang nagbitaw ng mga salitang iyon. Parang hindi namin sila kadugo. Hindi man namin sila personal na kilala, masakit pa rin pala.

Ang labis na pinag-aalala ko ay ang Tatay. Dito na namulat ang kabataan ni Tatay. Alam kong malaking bahagi ng buhay niya ay saksi ang bahay na ito.

“Eh kung subukan ko kaya sa shark loan?” Biglang sabi ni Kuya.

“Kuya may pamilya ka na. Baka lalo pang lumala ang problema natin ‘pag nagkautang-utang pa tayo lalo’t wala tayong siguradong pambayad,” Umupo ako sa gilid ng kama.

“Kris ayokong mawala ang bahay. Alam mo naman kung gaano kahalaga ‘to kay Tatay ‘di ba? Sinasabi niya lang na okay siya pero hindi naman. Ayaw niya lang magkagulo pa para hindi na mag-alala pa ang Lola.” Tumingin sa bintana si Kuya at tinungkod ang mga kamay. Salubong ang mga kilay niya sa labis na pag-iisip.

Alam kong gagawa pa ng paraan si Kuya. Para hindi kami umalis dito pero alam kong mag-aalala ang mga magulang namin kung hahayaan naming si Kuya ang sumalo ng problema. Pamilyado at sapat lang ang kinikita. Dapat may gawin ako. Dapat makatulong din ako.

Pumasok sa isip ko ang business card.



KINAGABIHAN, pagkatapos naming maghapunan ay pumasok ako sa kwarto ko. Umuwi na rin si Kuya at siguradong nag-aalala iyon sa asawa niyang buntis. Kinuha ko ang business card, umupo ako sa kama at binasa ulit ito.

“RDS Group of companies, Reynald De Silva, President and CEO, contact details..”

Nang makita ko ang contact number ay agad kong hinagilap ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesita sa tabi lang ng kama ko. Pero bigla kong nabitawan ang business card. Nang naabot ko na ang cellphone ay agad kong pinulot ang card sa sahig. Napahinto ako. Likuran ng card ang nakita ko. May nakasulat na numero sa likod ng card. Hindi lang basta numero kundi cellphone number. Pinulot ko ang card at tiningnan ang harapan kung kapareho ng contact details sa likod. Pero iba.

Pinagwalang bahala ko na lang, tumingin ako sa wall clock. 7:24pm na..kung tatawagin ko ‘tong opisina may sasagot kaya? Bahala na nga!

Dinayal ko ang numero sa opisina. Habang nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko. Kinakabahan ako syempre, nagdadasal na sana may mapala ako rito.

Pero ilang minuto na ang lumipas, nawala na ang kaba ko wala pa ring sumasagot. Puro ring lang. Binaba ko ang cellphone at bumuntong hininga. Kung bukas na lang kaya? Kaya lang sabado bukas malamang walang opisina. Kung sa lunes kaya? Pero hindi naman ako mapapakali ng dalawang araw. Kailangan gumawa agad ako ng paraan. Bawat araw at oras ngayon sa amin ay mahalaga.

Binitawan ko ang cellphone at card sa kama. I bit my lower lip. Hanggang mapadako ang atensyon ko sa likod ng card. Kinuha ko at tiningnan ang numero sa likod. “Eto na lang kaya?” Nagdadalawang-isip ako kung tatawagin ko dahil baka nasulatan lang itong card. Pero parang kusang gumana ang daliri ko dahil dinayal ko ang numero. Kinakabahang nilagay ko sa tainga ang cellphone.

Nagri-ring!

Pagkatapos ng pangatlong ring..

“Hello?”

I gasped. Isang baritonong boses ng lalaki ang sumagot sa linya. Napaawang ang bibig ko. Parang kinain lahat ng balak ko at sasabihin ko sa isang simpleng ‘hello’ lang? Kristina gising! Pero hindi ko napigilan ang taksil kong puso dahil parang mawawarak ang dibdib ko sa kalabog nito! Anyare?

“Hello, who’s this?” He sounds irritated

Doon ako nagising. “H-hello..” Shit! Bakit ako nagsstutter?

“Yes, who’s this?”

“Ahm..hello, G-Goodevening po. May I speak to Mr. Reynald De Silva, sir?” Para akong tangang nanginnginig ang boses ko sa pagsagot. Huwag ngayon Kris, huwag ngayon!

He sighed. “Who’ this?” Ramdam kong parang naiinip na siya dahil paulit-ulit na sagot sa akin.

“Please kindly tell him this is--this is Kristina Marie Clemente. I got his business card from Matteo De Silva of De Silva Financing,” Kabang-kaba ako. Baka babaan ako nito.

Tumahimik sa linya. Tinignan ko ang screen ko pero naka-connect pa naman. Sa network kaya ang problema?

“Hello, Sir? Are you still there?” Paniniguro ko. Baka Hindi niya ko naririnig na.

But I heard his breath. He’s still there. Para bang ninanamnam niya ang sinabi ko. O baka naman naiinis ‘to kasi tinawagan ko siya? Balak ko sana nang sumagot uli nang magsalita siya.

“This is Reynald.” He said with an authoritative voice.

Napalunok tuloy ako ng sarili kong laway--It’s him!

Hindi kaya personal niya itong number? Kaya siguro medyo iratado siya kanina. Pero heto na ang chance ko para makausap siya kaya nang atrasan ‘to!

“Hello! Good evening po Mr. De Silva, ah..ano po kasi, pa’no ba ‘to..” Nagpalinga-linga ako sa kwarto ko. Para akong sira--parang may hinahanap ng kung ano. Napatayo na ko. Nagpalakad- lakad.

He sighed again. “Miss Clemente, sorry but I still have a meeting to attend with. So if you have something important to tell me, kindly see me in my office written there on my business card. Is that fine with you?” Still sounded with an authoritative and baritone voice. Why does it feel so good?

“Ah, okay po sir. Sa Monday po?” Lalo pa yata akong kinabahan ah. Napahinto ako sa paglalakad.

“See you in Monday then.” He said with finality tone.

“Si--” I was cut off by the beep of end call. I glanced to my phone. “Ano ‘yon? Binabaan ako? Parang may pagkaarogante rin ‘yun ah,”

Pero hindi ko pa ring naiwasang mangiti. Para akong nakakita ng liwanag sa madilim na paligid. A thin line of hope. Baka rito, makakuha ako ng pambayad sa bahay. Baka ito na ang sagot sa problema namin. Hindi ko na tuloy mahintay ang lunes. “Okay, dapat paghandaan ko ‘to sa Monday!” With pure determination tone. Pero halo pa ring kaba.







































Chapter 5:Kristina




LUNES. Ito na ang araw ng pagpunta ko sa RDS Group of Companies para makaharap si Reynald De Silva. Wala akong ideya kung anong kahihinatnan ng pagpunta ko. Ewan ko ba pero parang may banda ng mga musikero sa loob ng dibdib ko sa sobrang kaba na nararamdaman. Something’s weird? Pero para ‘to sa pamilya ko kaya, fighting!

Gusto ko sanang magpasama kay Hero pero alam ko ring busy iyon sa salon niya. Kaya no choice, lumakad na lang ako mag-isa. Hindi pa rin alam nina Tatay ang tungkol sa balak kong ito. Nagpaalam lang akong pupunta sa isang kaibigan. Dahil siguro pinagkakaabalahan nila ang paglilipat namin kaya hindi na nila napupuna ang pag-alis-alis ko kahit bakasyon ngayon sa eskwela.

Bitbit ko ang isang baso ng lakas ng loob para sa araw na ito. Pinuntahan ko ang opisina ng RDS Group of Companies, sa Bonifacio Global City sa Taguig ang address. Malayo-layo rin ‘to samin ah. Pagbaba ko sa Ayala station ng MRT ay agad kong tinungo ang designated bus papuntang BGC. Nilibot ko ang paningin sa mga nakikita kong establisyemento. Nakakapanibago sa mga nakasanayan kong ordinaryo. Feeling ko tuloy para akong probinsiyana.

Nang huminto ang bus sa designated station na pupuntahan ko ay tumayo na ko at bumaba. Base sa address na nasa card ay dito na ang street ng building. Inikot ko ang mata para hanapin ang RDS building..and I easily found it.

RDS Group of Companies

Tumawid ako para makalapit sa building. Nang nasa harapan na ko ay sumisigaw ng karangyaan--labas pa lang ng matayog na building na ‘to. Disenyo pa lang sa labas masasabi mo nang may sinasabi ang kompanyang ito. Sa address pa nga lang mai-intimidate ka na. Puro salamin ang dingding at may revolving doors sa entrance ng building. Pagkapasok ko ay maraming tao ang palakad-lakad sa ground floor. Lahat naka-corporate attire at looking professional. Nakita ko ang isang babaeng naka-red fitted skirt at black coat na may kausap sa cellphone niya. Maganda siya at sopistikada ang itsura. Bigla tuloy ako na-concious at tiningnan ang itsura ko. Naka-skinny jeans ako, black polo shirt at black flat shoes. Okay naman siguro ang get up ko rito. Kaya ko ‘to!

Hinagilap ko ang information desk at nilapitan. Sa likod ng receptionists ay nakasulat sa marmol na pangalan nag kompanya. Sobrang yaman siguro ng may-ari. Metikoloso ang disenyo ng building e.

Papalapit pa lang ako sa receptionist agad na niya akong nginitian. “Good morning, Ma’am. How may I help you?”

Ngumiti rin ako sa kaniya, “Good morning po. I am looking for Mr. Reynald De Silva?”

Nakangiti pa rin sa akin ang receptionist. “Do you have a scheduled appointment, Ma’am?”

Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Kinakabahan na naman ako. Napaisip ako, nagpa-schedule naman ako ‘di ba? Sabi pa niya, ‘See you on Monday then.’ Kaya hindi dapat ako natataranta!

“Yes. Please tell him I am Kristina Marie Clemente.” Magalang sagot sa kaniya. I composed myself para naman hindi mahalatang may pyesta sa dibdib ko.

Bahagya siyang tumango at may tiningnan sa computer niya. She scanned her monitor. Hanggang matapos.

She pouted her lips a bit at tumingin sa akin ulit. “Sorry Ma’am but your name wasn’t here in our lists of official visitor of our President today. May I know who adviced you to come?” She’s looking at me with an apologetic face.

“Mr. De Silva himself told me to see him today..over the phone,” I motioned my right hand as a phone bilang gesture.

I’m a bit surprised nang napansin kong medyo nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. At biglang parang nataranta.

She stood up and yanked the phone beside her files. “Okay. Ma’am, wait a second.”

Ngiti na lang ang naisagot ko sa kaniya. Hindi kaya natakot siya nang sabihin kong iyong boss nila ang kausap ko? I unconsciously bit my lip. Baka akala nila napakaimportante kong tao? Mangungutang lang naman ako. Kung alam lang nila.

Nang marinig ko siyang may kausap na ay nilibot ko na lang ang paningin sa building. Ayoko naman magmukhang tsismosa. Hindi ko pa naman siya masyadong naririnig. Nang tingnan ko siya ulit ay tumatango-tango na ito sa kausap sa linya. Mayamaya pa’y binaba na niya ang telepono at tumingin sa akin. She smiled again.

“Ms. Clemente, Mr. President is waiting for you. 3Oth floor po, President’s Office.” Inimuwestra pa niya sa akin ang elevator.

I smiled at her, “Thank you.”

And she smiled back, “You’re welcome, Ma’am,”

Habang naglalakad papuntang elevator ay nasisimula na namang magpyesta ang pintig ng puso ko! Atleast, hindi pa nalilimutan ni Reynald De Silva ang usapan namin. I held my bag tightly. May pag-asa pa kaya ako rito?



PAGBUKAS ng lift ay agad kong tinapak palabas ang mga paa ko. A color gray carpeted floor sa buong opisina. Buong opisina? Isang malawak at maaliwalas na opisina ang bumungad sa akin. Halos tunog ng printer at aircon lang ang naririnig ko, kung may uubo nga rito na may kasamang paputok tiyak na pagtitinginan e. One woman automatically smiled at me while I am walking towards her table. She looked pleasant and nice. iyong bang pagnakasalubong mo sa labas ay agad kang babatiin.

“Good morning Ma’am. Are you Miss Kristina Clemente?” Tanong niya habang inayos nang kaunti ang salamin sa mga mata.

“Yes, I am. Nandito ba si Mr. De Silva?”

A woman beside her who was busy on her computer when I arrived, siguro mga nasa late 30’s na ito. O dahil sa makapal nyang makeup ay mukha na siyang matured tingnan. In my pheriperal vision, umikot ang mga mata niya sa akin pagkabanggit ko sa pangalan ng boss niya.

“Yes Ma’am, Mr. President is here. He’s actually expecting you today. May kausap lang po si Sir sa loob. Maupo po muna kayo, Ma’am.” She said while managing to smile at me. Ang gaan tuloy ng pakiramdam ko sa kaniya.

Tinuro niya sakin ang sofa katapat lang ng working area nila. “Thank you.,” At agad na kong umupo.

I held my cold hands while waiting. Lalo pa ko giniginaw sa lakas ng aircon dito. Huwag naman sana akong mag-stutter sa harapan niya. Baka hindi ko pa ito ma-convince na pautangin ako.

Matapos ang ilang minuto ay may lumabas na lalaki sa isang malaking pinto. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan. He is holding a long brown envelop. Siguro mga kasing edad lang din ito ni Tatay. Suddenly I can’t take off my eyes at him. Hindi niya ko napapansin sa pwesto ko, sa mga sekretarya siya nakatingin. He even winked at them. As expected hindi pinansin ni miss suplada. Wala naman sa pwesto niya iyong mabait.

Nang nasa loob na siya ng lift ay saka lang napunta sakin ang tingin niya.

Nawala ang ngiti niya nang makita ko. He looked pale, okay lang ba siya? Pero parang pamilyar siya sa akin. Had we met before? Hanggang magsara ang lift ay nakatingin pa rin ako sa kaniya. But I saw him looked down before it closed.

“Miss Clemente pwede na po kayong pumasok sa loob,”

The secretary snapped me from thinking over that familiar man. As if on cue, bumalik ang kaba ko at ang rason ng pagpunta ko rito. I managed to smile back at her. “Ah--okay thanks.” I almost murmured.

I walked a few strides to the door. I knocked three times.

“Come in.”

I bit my lip unconsciously when I heard an authoritative and baritone voice. I knew he was the same man I talked over the phone. It’s him. No doubt. A manly scent filled my nose when I came in. Ang bango. Parang nakaka-addict. As I expected, napakalaki ng opisina niya. Malinis, maaliwas at nababanaag na mamahalin ang alin mang bagay na madadapuan ng mga mata ko. Glass walls. Kitang-kita ang buong city mula rito. Mas maganda siguro ang tanawin dito ‘pag gabi. Then I heard him cleared his throat. Kahit ako ay nagulat. What the--Kristina? Day dreaming lang ang peg?

And then I saw him.

My lips parted a bit. This man..this man is literally one of a hell most handsome creature of heaven!

He’s sitting in a swivel chair. Wearing a white longsleeve with no tie at all. His black or dark blue coat embracing his chair at his back. He has hazelnut color of hair, a beautiful deep blue eyes, smooth skin, broad and wide shoulders, and a sexy pinky lips. He parted his lips and closed it again. He heaved out a sigh.

“Are you done examining me, Miss Clemente?” He snapped me with a low husky voice.

I blushed. Biglang nag-akyatan ang dugo sa mukha ko. Nag-iinit ang pisngi ko! I cleared my throat in an instance. Back to business please Kristina!

I felt the sudden lost of words. Patay kang bata ka! ”Aah--goodmorning..” And I turned my gaze to his bar name lying in front of his table. “M-Mister De Silva,” Yes! Nakapagsalita rin! Lumapit pa ko sa kaniya para makipagkamay. “I’m Kristina Marie Clemente. I phoned you last Friday night. And sorry for calling you that late.” I composed myself.

When he reached my hand, a thousands of volts came in my veins. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon ang naramdaman ko. Did he feel that too? Pero hindi ko ma-trace sa gwapo niyang mukha. Utang na loob Kristina, umayos ka! Kaya agad kong hinablot ang kamay ko sa kaniya. Napansin din niya ang inasal ko dahil bahagyang kumunot ang noo niya.

“Good morning, Miss Clemente. I understand, have a seat.” He offered the visitor’s chair sa harap ng table niya.

I half smiled bago umupo. “Thanks,” I almost whispered.

Nang tingnan ko siyang muli ay napansin kong nakatitig siya sa akin. Actually, mukhang kanina pa. Wala siyang ibang tinitingnan kundi, ako lang. Wala naman akong ibang nakikitang emosyon sa mukha niya. Para bang binabantayan niya ang bawat kilos ko. Baka naman feeling nito malikot ang kamay ko? Bigla tuloy ako naging alangan sa harap niya. Nako-conscious na ko! Hindi na ko makatingin sa kaniya nang maayos.

I bit my lip. “Ah, Sir--ahm..I’ve got your business card from Matteo De Silva from De Silva Financing Corporation. He actually recommended you to me. Hindi ko lang po alam kung na-inform niya na kayo tungkol sa status ko--”

“I am fully aware.” He snapped me again.

I felt a tremendous beat of my heart. So, he knows me. “So, ahm..kasi ‘yung tungkol po sana sa nilo-loan ko ang sinadya ko ‘di--”

“Ah, wait,” He stopped me from talking. At yumuko siya para may kunin sa drawer niya. Is it possible to a man to look sexy while looking for something? No! Keep your eyes on business!

Then he handed me a white long envelop. “Here,” He’s looking at me while he’s giving me the envelop.

Na-confuse ako. “Sir?” Nagdalawang-isip pa ko kung aabutin ko iyon.

Nang mapansin niyang parang wala akong balak abutin iyon ay bahagyang kumunot na naman ang noo niya. Parang nakita ko na siya somewhere?

He sighed. “Take this Miss Clemente. This is what you need.” He has sterned face. Para bang wala lang sa kaniya ang pinaggagawa niya.

Out of curiosity kinuha ko ang sobre.

He turned his gaze to his laptop at nagtipa doon. “Open it,” Utos pa niya.

I cannot think anymore. Nararamdaman ko na lang na sinusunod ko siya. Busy naman siya sa computer niya e. Kaya binuksan ko ang sobre.

I was stunned. What the? I can’t believe this! This a cheque! I was holding a freaking cheque! And it written a two million pesos! I was almost shaking. I looked at him again, na nakatutok na sa kaniyang laptop.

“Excuse me, Mr. De Silva--mind telling me about this? H-Hindi ko..hindi ko..”

He didn’t look at me. “What? Is that not enough? Tell me, how much do you need?”

“Can we, can we negotiate about this, Sir?” I cleared my throat again. “Utang po ito, hindi ba?”

“No. I am giving it to you.” He said with a low tone.

I blinked twice. Am I hearing him right? “W-What? Pardon me, Sir?” Nararamdaman ko kalabog ng puso. May parte ng puso ko ang sumaya pero may parte sa utak ko ang naghahanap ng rason.

He stopped from typing. He turned his gaze at me. He’s looking at me intently. I felt the fire in between us. Why is he like that? Every time he looked at me I became uneasy.

“I was giving it to you, Miss Clemente.”

“Ibibigay n’yo lang sa akin ‘to?” I waved him the cheque. “Dalawang milyon ‘to Mr. De Silva. Tapos ibibigay n’yo lang? Charity ba ‘to?” Hindi ko na alam kung matutuwa pa ba ko o maiinis.

He smirked. “Ofcourse, you have to pay me,”

Ah, Okay. Back to business ulit. “Okay, Sir. Pa’no po? Monthly basis po ba--”

“In no monetary amount.” He looked so serious.

I was halted from what he said. Kumibot ang mga kilay ko. Am I talking to a businessman or what? “Okay po, Sir, Pa’no ko ba kayo mababayaran. Napakalaki kasi nitong pera baka po matagalan ang--”

“Just marry me.”














































Chapter 6:Kristina



Kilala ko siya. He was the guy from the elevator. And what is he talking about? Totoo ba ‘to? Ilang segundo akong hindi nakapagsalita. Ito ba ‘yong tinatawag nilang indecent proposal? I was taken aback. Nilunok ko muna ang laway ko bago nagsalita. “Excuse me, Mr. De Silva, hindi ko ho narinig?” Double check at baka nag-rumble lang ang alphabet sa utak ko sa dami ng problema ko.

He looked at me and raised his brow, “I want you, to marry..me.” He was still using that low baritone voice. Well, I found it really nice.

“Gusto mong pakasalan kita kapalit nitong dalawang milyon?” And I waved to him the cheque.

Bahagya siyang sumandal sa upuan niya at pinagmasdan ako. Nababakas sa pagmumukha niya na hindi nagbibiro. He’s freaking serious! Pero..pero baket?

“You heard me right, Miss Clemente.” He cleared his throat. “You’ll get that money then we’ll get married. That is my condition.”

My lips parted. Baliw ba ‘to? He’s giving me goosebumps. Ibinaba ko ang tseke at pinasok sa sobre. Kabaliwan na talaga ‘to. “Parang hindi ka matino kausap Mr. De Silva. Pinaglalaruan mo ba ko? O kung joke man ‘to, FYI, hindi ka nakakatawa. I swear.” I said with conviction. Tao akong pumunta pero baliw akong kinaharapan. Ang layo ng nilakbay ko tapos ganito ang mahihita ko. Parang sinasabi niyang ibenta ko ang sarili ko sa kaniya.

Tumayo siya at lamapit sa akin. Napalunok ako nang unti-unti siyang yumuko. His hands were in his pocket. I could literally smell his fresh breath. Hindi ako nakagalaw sa upuan ko. Tumatambol ang dibdib ko. Nag-init ang mga pisngi ko.


Continue reading this ebook at Smashwords.
Download this book for your ebook reader.
(Pages 1-41 show above.)